-- Advertisements --
Nag-alok ng pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mamamayan na makakapagsumbong laban sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot umano sa katiwalian at kurapsyon.
Sa isinagawang national briefing ng Pangulo kagabi, magbibigay daw ito ng P50,000 sa makakapagturo ng mga small contracts habang P100,000 naman para sa mga malalaking kontrata.
Handa aniya siyang pumatay sakaling nakatanggap ng pagbabanta ang mga tao na magsusumbong ng katiwalian.
Nauna nang inanunsiyo ng Pangulo ang mga pangalan ng mga government officials na sangkot umano sa katiwalian.