-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Brazilian President Jair Bolsonaro sa kaniyang mga taga-suporta na sumailalim na ito sa COVID-19 test at nagpa-check up na rin ng kaniyang baga.

“I’ve came back from the hospital now, I’ve done a lung screening, my lung is clean, OK? I went to do a Covid exam a while ago, but everything is okay,” wika ni Bolsonaro.

Nagbabala rin ito sa mga tao na huwag siyang lalapitan dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease sa bansa.

Inaasahan na ilalabas bukas ang resulta ng COVID test ng pangulo.

Ilang kalaban ni Bolsonaro sa pulitika ang humiling na sanay ay mag-positibo raw ito mula sa deadly virus bagay na kinondena ng anak nito na si Carlos Bolsonaro.