-- Advertisements --

Personal na dumalo si Philippine National Police Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. sa isinagawang preliminary investigation ng Quezon City Prosecutors Office ngayong araw hinggil sa isinampa nitong kaso laban sa vlogger at retired general Johnny Macanas Sr.

Ito ang inahayag ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw sa Kampo Crame sa Quezon City.

May kaugnayan pa rin ito sa inilabas na video ni Macanas hinggil sa isyu ng umano’y destabilisasyon laban sa pamahalaan na kumaladkad sa pangalan nina PNP PGen Acorda at AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. na kapwa nangungumbinsi umano kay Pangulong Ferdinand Marcoa Jr. na magbitiw na sa pwesto bilang punong ehekutibo.

Ayon kay PCol. Fajardo, batay raw sa schedule ng preliminary investigation ay nakatakda sanang magsumite ng counter affidavit si Macanas laban sa kasong isinampa ni PGen. Acorda ngunit sa ngayon ay walang impormasyon si Fajardo kung nakadalo ito sa preliminary investigation.

Samantala, sa darating na Pebrero 7, 2024 naman nakatakdang isagawa ang susunod na preliminary investigation hinggil sa nasabing kaso.

Sa ngayon ay hinihintay pa aniya ng mga abogado ni Gen. Acorda kung hihingi pa ng dagdag na ebidensya at dokumento ang korte ukol dito.

Av… pnp-pio chief pcol. Jean fajardo

Kung maaalala, una nang iginiit ni pnp chief acorda na hindi niya palalagpasin at hindi niya iaatras ang kasong isinampa laban kay macanas kahit na binago na nito ang thumbnail at caption ng kaniyang inilabas na video.