-- Advertisements --

Isasagawa na ng Department of Justice (DoJ) panel of prosecutors ang preliminary investigation sa nasabat na P1.8 billion na halaga ng shabu sa July 5 at July 10 dakong alas-2:00 ng hapon.

Kaugnay nito, pinadalhan na ng subpoena ng DoJ ang mga Chinese at ilan pang mga indibidwal na respondents sa inihaing reklamo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kasama sa subpoena sina Xu Zhi Jian alyas Jacky Co, kapatid nitong si Dong An Dong at 15 iba pang inidbidwal na sinsabing sangkot sa smugging ng iligal na droga sa bansa na nagkakahalaga ng P1.8 billion.

Nasabat ang naturang mga kontrabando sa Manila International Container Port (MICP) noong Marso na itinago sa packaging ng mga tsaa.

Naniniwala ang mga otoridad na Ang Golden Triangle drug syndicate ang nagpuslit sa mga naturang kontrabando na ang consignee ng ay ang Wealth Lotus Empire Corp.

Naka-address naman ang subplena sa legal counsel ng mga respondents na si Atty. Cipriano Robielos III.