-- Advertisements --

Sa datos naman ng Philippine Red Cross (PRC) na naglatag ng first aid stations sa ruta ng idinaos na Traslacion procession, nakapagtala ito ng kabuuang 706 deboto na lumahok sa prusisyon na humingi ng tulong medikal .

Kung saan nasa 257 deboto ang sinuri ang kanilang vital signs.

Kabuung 215 deboto naman ang nagtamo ng minor injuries gaya ng mga galos, paso, nalaslas, at infected wounds.

Mayroon ding mga nakaranas ng hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, hyperventilation, pananakit ng ulo, tumaas ang blood pressure at nahilo dahil na rin sa siksikan.

Samantala, 6 namang deboto ng nagtamo ng major injuries gaya ng head trauma o swelling, laslas, incision, nahimatay, labis na pananakit ng dibdib at pilay sa left ankle.

Nasa 34 deboto naman ang kinailangang isugod sa PRC Emergency field hospital.

Top