-- Advertisements --

Nagpakalat ng mga emergency team ang Philippine Red Cross (PRC) ngayong Hulyo 27, 2026 para sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layunin ng PRC na matiyak ang kaligtasan, kahandaan sa medikal, at suporta sa kapakanan ng mga dadalo sa naturang okasyon.

Ipinuwesto ang mga first aid, ambulance, at welfare teams sa iba’t ibang estratehikong lugar upang agad makapagbigay ng medikal na interbensyon, transportasyon sa oras ng emergency, at tulong sa mga nangangailangan.

Narito ang mga pangunahing lokasyon ng operasyon:

SB Park Evacuation Area Command Post – Batasan Hills / Commonwealth area

PRC QC Chapter Headquarters – Kalayaan Avenue, Quezon City

STU Sandiganbayan (NHQ Ambu) – Commonwealth Avenue, Quezon City

STU QCMC – Quezon City General Hospital / QC Medical Center Area (Deployment mula PRC Makati Branch)

STU AFNI – AFP Commissioned Officers Club / Armed Forces Network Area

STU CHR – Commission on Human Rights Complex, UP Complex, Diliman, Quezon City

STU San Mateo – San Mateo Boundary / Access Post (Deployment mula PRC Pasig-Pateros Branch)

Ayon sa PRC, ang pagkakaroon ng mga team sa iba’t ibang lugar ay bahagi ng kanilang pangako na laging handa sa anumang sitwasyon, lalo na sa mga malalaking pagtitipon gaya ng SONA.