-- Advertisements --

Nanawagan si San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida “Rida” Robes sa Professional Regulation Commission (PRC) na payagan na ang mga medical graduates na kumuha ng kanilang licensure examinations.

Ito ay para matugunan na rin aniya ang problema sa kakapusan ng mga dokto at iba pang medical frontliners sa laban kontra COVID-19.

Umapela si Robes sa PRC na bilisan ang paglikha ng isang electronic media platform na gagamitin sa PPhilippine Licensure Examination (PLEs).

Ang mga papasa kasi aniya sa licensure exam ang siyang tatayong augmentation sa aniya’y “depleted and overworked” nang medical frontliners sa kasalukuyan.

Mababatid na ipinagpaliban ng PRC ang PLE noong Marso, at sinasabing isasagawa na lamang ito sa Setyembre dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Robes, nakakaapekto ito sa kasalukuyang sitwasyon dahil sa hindi nadagdagan ang bilang ng mga healthcare workers na lumalaban sa ngayon sa panedmaya sapagkat hindi maaring ma-deploy ang mga bagong medical graduates dahil sa kakulangan sa required na credentials.

Sa ngayon, tinatayang nasa 63,000 medical workers ang kinakailangan ng bansa sa laban kontra COVID-19.