-- Advertisements --

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na gumagawad ng prangkisa sa San Miguel Corp. (SMC) para sa pagtayo ng “New Manila International Airport” sa Bulacan.

Sa botong 218 affirmative, 6 negative, dalawang abstentions, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 7507 na nagbibigay ng prangkisa sa San Miguel Aerocity Inc. para magtayo, mag-develop, at mag-operate ng 2,500 hectares na New Manila International Airport at adjacent airport nito. 

Dahil dito, ipapadala na sa Senado ang naturang panukalang batas para sa kanila namang deliberasyon.

Sa ilalim ng panukala ay ililibre ang SMC sa pagbabayad ng direct at indirect taxes sa susunod na 10 taon.

Magiging exempted din ang SMC sa pagbabayad ng income taxes, VAT, customs duties, business taxes, franchise taxes gayundin ang iba pang charges sa pagtatayo at operation ng paliparan. 

Samantala, nakasaad sa profit-sharing agreement ng inaprubahan franchise bill na ibibigay sa pamahalaan ang sobra sa 12% ng Internal Rate of Return (IRR) na na-generate na income ng airport city.