-- Advertisements --
Pinag-iingat ng Philippine Ports Authority (PPA) ang publiko sa talamak na paggamit ng kanilang opisina sa mga social media.
Ayon sa PPA na may mga taong gumagamit ng kanilang pangalan at gumagawa ng pekeng social media account gamit ang kanilang pangalan.
Humihingi aniya ang mga ito ng pera sa kadalasang biktima nila ay yung mga mayroong kargamento at transaction sa mga ports.
Pinayuhan na lamang nila ang publiko na agad isumbong sa kapulisang kapag mayroon silang impormasyon ukol sa paggamit ng kanilang pangalan.