Balik normal na ang sitwasyon ng malaking bahagi ng power sector sa Mindanao matapos maapektuhan ng magnitude-6.3 na lindol kagabi ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa monitoring ng DOE, na-restore na ang supply ng Mindanao Geothermal Power Plant Unit 2 kaninang alas-3:00 ng madaling araw.
Habang kaka-restore lang sa supply ng Unit 1 nitong alas-10:00 ng umaga.
“Mindanao’s power situation is already back to normal. Mindanao Geothermal Power Plant (MGPP) 1 & 2, with a total net generation of 91MW, tripped at 7:37PM last night. MGPP Unit 2 has been restored at 3:13AM today, while MGPP Unit 1 is expected to be restored at 10:00am,” ayon sa DOE.
Wala naman na raw naitalang damage pa sa transmission at high voltage facilities sa South at North Cotabato.
Samantala, balik operasyon na rin ang anim na electric cooperatives na nagka-power interruption kagabi.