-- Advertisements --

Tuluy-tuloy ang isinasagawang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente sa northern part ng Luzon na naapektuhan ng tumamang 7.3 magnitude na lindol.

Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, isinasagawa na ang restoration works ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Bacnotan-Bulala 69-kilovolt (kV) line sa La Union.

Ito ay makaraang mapinsala ang transmission line na nagresult ng power interruption sa mga lugar na sinusuplayan ng La Union Electric Cooperative (LUELCO).

Ilan pang mga lugar sa Abra, Benguet, sa lalawigan ng Pangasinan at tarlac ang nakaranas ng power interruption subalit agad namang naibalik ang suplay ng kuryente.

Sa bahagi naman ngTinglayan, Kalinga, at Cervantes at Quirino, Ilocos Sur ay nakaranas din ng power interruptions.

Nagpapatuloy naman ang pagsasaayos sa nasirang 69-kilovolt line ng Central Pangasinan Electric Cooperative na nakaapekto sa suplay ng kuryente sa baya ng Malisiqui, Bayambang, Basista, at Bautista.

Samantala, ang mga transission lines at facilities sa Metro Manila ay hindi naapektuhan sa kabila ng naramdamang lindol sa NCR at ibang parte ng Luzon.

Top