-- Advertisements --
Hiniling ng grupo ng mga magmamanok sa gobyerno na suspendihin ang importasyon ng mga manok.
Ito ay dahil sa labis na suplay ng manok sa bansa.
Sinabi ni Elias Inciong, pangulo ng United Broiler Raisers Association na base sa inventory ng National Meat Inspection Service (NMIS) na mayroong 78,698.01 metric tonelada ng manok sa bansa mula pa noong Abril 27.
Ang nasabing bilang ay mas mataas pa ng halos pitong metric tons noong nakaraang linggo.
Itinuturong dahilan ng pagdami ng suplay ay dahli sa mababang suplay ng manok dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa bansa.