-- Advertisements --
image 42

Inihayag ng Department of Energy (DOE) na ang mga portuguese energy firm ay naghahanap ng mga pamumuhunan sa renewable energy sector ng Pilipinas

Sa isang pahayag, bininaggit ni Portuges Foreign Minister João Gomes Cravinho kay Energy Secretary Raphael Lotilla, ang tungkol sa interes ng Energias de Portugal (EDP) at Renewables na mamuhunan sa renewable energy ng bansa.

Gyundin, ang mga proyekto sa alternative fuel tulad ng hydrogen.

Sinabi ng DOE na binanggit ni Lotilla ang mga potensyal na lugar ng pakikipagtulungan, kabilang ang pagbuo ng offshore wind (OSW) at floating solar, hydrogen, at ammonia production gamit ang renewable energy, liquefied natural gas (LNG) importation, at pagpapabuti ng transmission at distribution lines sa Pilipinas.

Ito ay upang suportahan ang pag-unlad ng ekonomiya at ang energy transition agenda.

Ang mga kumpanya ng Portuges ay tumitingin din na palawakin ang kanilang presensya sa Southeast Asia sa pamamagitan ng pamumuhunan sa Pilipinas.

Binigyang-diin din ni Lotilla ang karanasan ng Portugal sa muling paggamit at pagbibigay-insentibo sa paglipat ng mga coal power plant sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang mga alternative fuel, tulad ng co-firing sa hydrogen o ammonia.