
Pinuri ni House Ways and Means chair at Albay 2nd District Representative Josey Salceda ang ginawang hakbang ni Pangulong Bongbong Marcos na ilatag ang energy portfolio ng bansa ng makipag-usap ito kay French President Emmanuel Macron sa posibleng partnership ng Pilipinas at France sa nuclear energy.
Sinabi ni economist solon na ang paglipat mula sa fossil fuels ay nananatiling pinakamahalagang hakbang sa bansa tungo sa mas mura, mas matatag at maaasahang energy supply.
Punto ni Salceda ang mga pagsisikap ni Pangulong Marcos Jr., na pag-iba-ibahin ang ating energy portfolio ay tumugon sa pangangailangan ng bansa para sa malinis at murang enerhiya at climate change mitigation.
Una rito, tinawag ni Salceda si Pangulong Bongbong Marcos bilang unang renewable energy President.
” He is the first President to have been elected on a strong platform of renewable energy,” wika ni Cong. Salceda.
Aminado ang mambabatas na ang isyu sa nuclear energy ay “debatable” pero tiyak ito na mas malinis kaysa sa karbon.
Inaabangan din ni salceda na ihayag ng Pang. Marcos Jr., na ang nuclear energy ang magiging national energy strategy.
Umaasa din ang economist solon na bigyang prayoridad ng Pangulo ang pag institutionalized sa Philippine Nuclear Regulatory Commission bilang isang ahensiya.
Sa kabilang dako, nakipag pulong din si Salceda sa ilang mga prospective renewable energy stakeholders para palakasin pa ang pagpopondo sa renewable energy projects.
Iginiit ni Salceda nais niya na foreign investment ang hahawak sa renewal energry projects dahil sa kanilang technical expertise at innovations.










