-- Advertisements --
doh 1

Tumaas sa 12.3% ang positivity rate ng National Capital Region (NCR) o ang bilang ng mga taong nagpositibo sa Covid-19, ayon sa monitoring ng OCTA Research group.

Sa pinakahuling data, sinabi ng OCTA Fellow Dr. Guido David na ang bilang ay isang 4.2% na pagtaas mula sa 8.1% noong nakaraang linggo.

Kung matatandaan, nakapagtala ang bansa ng 506 na bagong kaso, 315 na nakarekober, at 4,446 ang aktibong kaso ng COVID19.

Dahil dito, umabot na sa 4,090,215 ang kabuuang bilang ng kaso sa ating bansa.

Sa mga bagong kasong nabanggit, ang NCR ang nakakuha ng pinakamaraming bilang na may 197; Rizal na may 35; at Laguna na may 29.

Una na rito, umabot na sa 12.9% ang positivity rate ng bansa.