-- Advertisements --
facemask

Muling nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng positivity rate ng COVID-19 ang ilang eksperto sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nitong Abril 25 ay pumalo sa 12.3% ang bilang ng posibility rate na naitala sa National Capital Region mula sa una nang naitala noong Abril 18 na 8.1.

Aniya, maituturing na malaki ang itinaaas ng bilang ng mga kaso ng nasabing sakit sa rehiyon kasabay ng pagpapaliwanag na iba’t-ibang dahilan nito kabilang na ang paghina ng immunity, pagbaba sa compliance ng health protocols, at pagtaas naman ng mobility sa bansa.

Bukod dito ay nagbabala rin si David sa posibilidad ng pagkalat ng omicron subvariant XBB.1.1.6 na tinatawag din bilang “Arcturus”.

Samantala, ayon sa DOH, ang panibagong COVID-19 varian