-- Advertisements --

Nakatakdang ianunsyo ng Department of Health (DOH) sa Oktubre 1 kung papanatilihin ba o babaguhin ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman, pagdedesisyunan pa nila kung papanatilihin ba ang NCR sa ilalim ng Alert Level 4 o bababaan ang classification na ito.

Nabatid na sa kasalukuyan ang NCR ay nasa moderate risk pa sa COVID-19.

Baswe sa monitoring ng DOH, ang bagong COVID-19 cases sa rehiyon ay bumaba ng 13 percent sa nakalipas na dalawang linggo, pero ang average daily attack rate naman ay nasa 33.98 cases sa kada 100,000 population at ang ICU utilization rate ay nanatili sa high risk sa 76.22 percent.

Kahapon, Setyembre 26, sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na umaasa siyang mailalagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila simula Oktubre.

Bumababa na rin kasi aniya ang growth at reproduction rates ng COVID-19 cases sa Metro Manila.