-- Advertisements --

LAOAG CITY – Pinaalalahanan ng Provincial Veterinarinary Office sa Ilocos Norte ang mga tindero sa kanilang lalawigan na huwag munang tumanggap ng pork siomai.

Ito’y dahil sa banta ng African swine fever o ASF.

Ayon kay Dr. Loida Valenzuela, provincial veterinarian, may mga natanggap silang report na mayroon umanong nagpapasok sa nasabing produkto gamit ang pribadong sasakyan.

Nitong nakaraang araw aniya ay naipaalam na nila kay Gov. Matthew Marcos Manotoc ang nangyari.

Inihayag ni Valenzuela na posibleng hindi namatay ang virus na nasa produkto kung hindi naluto ng maayos lalo na kung may virus ang baboy na naiproseso.

Dagdag nito na magsisilbi itong paalala para sa mga nagtitinda para mapanatili na “ASF free” ang lalawigan.

Maliban sa Ilocos Norte, ASF free din ang mga lalawigan ng Apayao at Batanes.