-- Advertisements --

Bukas ang mga pork producers sa bansa sa panawagan ng ilang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng state of emergency sa harap ng nararanasang problema ng local hog industry bunsod ng African swine fever.

Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, hindi nasusunod ang price cap at hindi rin natatanggap pa ng mga hog producers ang transport subsidy mula sa Department of Agriculture (DA).

Ito ay kahit pa noong Lunes lang ay pinalawig ng DA ang implementation ng price cap para sa karne ng baboy at manok hanggang Abril 8.

Para naman kay National Federation of Hog Farmers president Chester Tan, kailangan alisin na ng pamahalaan ang price cap sa karne ng baboy at manok.