CENTRAL MINDANAO- Hindi masukat ang pasasalamat ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato matapos na ang bayan lamang ang pumayag na maging venue ng isinagawang aktibidad para sa mga Indigenous People Mandatory Representative o IPMR ng probinsya.
Sa mensahe na ipinadala ni NCIP 12 Regional Director Michael Mamukid na binasa ni Provincial IMPR Matanom Jaime Odo, sa pagkakaroon ng mga IPMR ay mas nakikilala ang mga IPs ng bawat bayan at mas nabibigyan ng atensyon ang kanilang mga rekwisito.
Samantala, ilan sa kanilang pinag-usapan ay ang pagsasagawa ng Population Census Ethnicity.
Ayon kay Kabacan IPMR Daniel Saliling, malaki ang naitulong ng Association of Barangay Captain sa pangunguna ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman sa pagbibigay importansya sa mga IPs ng Kabacan.
Siniguro naman ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. na magpapatuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa mga adhikain na palakasin ang karunungan sa mga IPs.