Tiniyak ni Santo Papa Francisco ang dasal para sa mandato ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Ibinahagi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mensahe ng Santo Papa isang araw bago ang inagurasyon.
Sa ipinaabot na mensahe ni Pope Francis, nagpaabot din ito ng pagbati kay Marcos kasabay nang nalalapit na pagsisimula ng kaniyang mandato bilang bagong pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Tiniyak din ng Santo Papa na kaniyang ipagdarasal na magkaroon ng sustained na karunungan at katatagan ang incoming president.
Gayundin ang dasal para sa pagpapala ng Maykapal para sa kapayapaan at prosperity ng bansa.
Isa si Archbishop Charles Brown sa mga ambassadors na nag-courtesy call kay President-elect Marcos noong June 10.
Ayon sa arsobispo, tiniyak ni president-elect ang kaniyang hangarin na makipag-collaborate at makipag-cooperate sa simbahan at Holy See.















