-- Advertisements --

Sinimulan na ni Pope Francis ang anim na araw na biyahe nito sa Democratic Republic of Congo at South Sudan.

Binati siya ng mga residente ng Congo ng lumapag ang eroplanong sinakyan ng 86-anyos na Argentinian Pope sa Ndjili airport.

Ito ang unang pagkakataon mula noong 1985 ng bumisita ang Santo Papa sa Congo kung saan 40 percent sa mga tao doon ay mga Katolika.

Noon pang nakaraang taon sana ito nagtungo sa nasabing bansa subalit nagkaroon ng problema ang Santo Papa sa kaniyang tuhod kaya minabuti nito na ipagpaliban.

Nakipagpulong din ito kay Congolese President Felix Tshisekedi at nanawagan sa mga residente doon na talikuran ang anumang karahasan at galit.

Hinikayat din nito ang mga bansa na huwag kalimutan na tulungan ang mga bansa sa Africa.