-- Advertisements --

Nanawagan si Pope Francis na tulungan ang bansang Somalia na nahaharap sa matinding tag-tuyot.

Kasunod ito sa naging pahayag ng United Nations na mayroong mahigit isang milyong mamamayan na ng Somalia ang nawalan ng tirahan dahil sa matinding tagtuyot.

Sinabi ng 85-anyos na Santo Papa na isang seryosong krisis na pangkatauhan ang nasabing kalagayan sa nabanggit na bansa.

Dagdag pa nito na ang mga mamamayan doon ay nasa hirap na kondisyon.

Umaasa ang Santo Papa na matugunan ng mga bansa ang nasabing problema sa Somalia.