-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Francis sa Israel at Gaza na tigilan ang labanan.
Sa kaniyang misa sa Vatican ipinahayag nito na ang terorismo at giyera ay hindi naging solusyon sa anumang problema at sa halip ay lalong magdadala pa ng maraming paghihirap at kamatayan ng mga inosenteng katao.
Humingi ito sa mga mananampalataya ng pagdarasal para sa agarang pagtatapos na ng kaguluhan.
Magugunitang aabot na sa 600 katao sa Israel ang nasawi dahil sa atake ng Hamas habang mayroong mahigit 300 katao ang nasawi sa Palestine sa pagganti ng Israel.