-- Advertisements --

Kapayapaan ang panawagan ngayon ni Pope Francis para sa bansang Sri Lanka sa gitna ng mga pagpoprotesta ng mga tao doon dahil sa galit nang dahil naman sa lumalalang krisis sa ekonomiya na tumagal na ng maraming buwan nang dahil sa umano’y katiwalian ng angkan ng Rajapaksa na namumuno sa nasabing bansa.

Sa kaniyang weekly Angelus prayer ay sinabi ng santo papa ang kaniyang pakikiisa sa pasakit ng mga mamamayan ng nasabing bansa na patuloy na nagdurusa dahil sa mga epekto ng instability ng pamahalaan at ekonomiya doon.

Kasama ang iba pang mga obispo ay muling nanawagan para sa kapayapaan kasabay ng kaniyang pakiusap sa mga kinauukulan na huwag nang balewalain pa ang sigaw at pangangailangan ng mga kapus-palad nilang mamamayan.

Samantala, sa Hulyo 13 nakatakdang bumaba sa puwesto bilang pangulo ng Sri Lanka si President Gotabaya Rajapaksa ayon sa ulat ni parliamentary speaker Mahinda Abeywardana matapos ang panawagan ng kaniyang mga nasasakupan na magbitiw na ito sa kaniyang panunungkulan.

Top