-- Advertisements --

Tinawag ni Pope Francis bilang isang “Barbarous” attack ang ginawang airstrike ng Russia sa isang shopping mall sa Kremenchuk City, Ukraine.

Ayon sa Santo Papa na araw-araw ay hindi nawawala ang Ukraine sa kaniyang puso.

Hinikayat ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang kanilang pagdarasal para tuluyan ng matigil ang kaguluhan sa Ukraine.

Magugunitang nasa 18 katao na ang nasawi ng tamaan ng missile mula sa Russia ang shopping mall sa Ukraine.