-- Advertisements --
Nakabalik na sa Vatican si Pope Francis matapos na ito ay nagpa-check-up sa Roman hospital.
Ayon sa Vatican na nakaranas ng trangkaso ang 87-anyos na Santo Papa kaya minabuti na magpakonsulta na.
Nitong Sabado at Lunes ay kinansela na nito ang mga public engagements.
Magugunitang noong nakaraang taon ay kinansela na rin ang mga biyahe sa ibang bansa dahil sa nararanasang sakit nito.