-- Advertisements --

Nanawagan si Pope Francis kay Russian President Vladimir Putin ng agarang pagtigil ng giyera niya sa Ukraine.

Sa kaniyang misa sa St. Peter’s Basilica sa Roma, nais nitong matigil na ang kaguluhan para na rin sa kapakanan ng mga tao.

Umapela rin ang Santo Papa kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na maging bukas sa seryosong peace proposals.

Dagdag pa ntio na lalong lumalala ang giyera sa Ukraine at ang nagiging kawawa dito ay mga tao.

Hinikayat din nito ang international community na gawin ang lahat ng makakaya para maisulong ang pag-uusap ng dalawang panig.