-- Advertisements --
Muling naglabas ng panibagong pagkondina si Pope Francis laban sa mga nagaganap na giyera sa Ukraine at Russia at maging sa Israel.
Sa kaniyang misa sa Vatican, sinabi nito na maraming tao na ang nasawi at karamihan sa mga ito ay mga bata pa.
Humingi ito ng panalangin na marapat na malampasan ang nagaganap na kaguluhan.
Ang nasabing pahayag ay matapos ang kontrobersiyal na interview ng Santo Papa kung saan sinabi niyang dapat may lakas na loob ang Ukraine na sumuko na lamang na ikinagalit naman ng ilang mga Ukrainians at mga bansa.