-- Advertisements --
Kinondena ni Pope Francis ang mga nagaganap na pagmamalupit dulot ng giyera sa Ukraine.
Ito ang laman ng kaniyang Homily sa ginanap na Easter Vigil Mass sa Vatican.
Ngunit bagama’t dumalo ang Santo Papa ay hindi naman ito ang nag-preside dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.
Dumalo sa misa si Ivan Fedorov, ang alkalde ng Melitopol na ikinulong ng mga sundalo ng Russia noong nakaraang buwan at napakawalan lamang sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng preso.
Binasa na lamang ni Italian Cardinal Giovanni Battista Re ang mensahe ng Santo Papa.
















