-- Advertisements --

Humiling ng tulong ang Vatican sa head doctor ng Spanish Football team na Atletico de Madrid para suriin ang nananakit na tuhod ni Pope Francis.

Itinturing ni Dr. José María Villalón,na isang mabait na pasyente ang Santo Papa.

Mula pa kasi noong Mayo ay iniinda na ng 85-anyos na Santo Papa ang madalas na pananakit ng tuhod nito kaya ito ay kinailangan na mag-wheelchair o gumamit ng baston.

Dagdag pa ni Villalon na gagawin niya ang lahat para hindi na sumailalim sa operasyon ang Santo Papa.

Ang sports doctor ay nagtapos ng sport traumatology na siyang gumagamot sa mga football players mula pa noong 1995.