-- Advertisements --

Hinikayat ni Pope Francis ang mga Katolikong Chinese na maging mabuting mamamayan.

Ito ang naging mensahe niya sa ginawang misa ng Santo Papa sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Bago din nito ay kaniyang binati sina Cardinal John Tong Hon, bishop emeritus of Hong Kong, and Cardinal-elect Stephen Chow Sau-yan, SJ, bishop ng Hong Kong.

Nasa Mongolia ngayon si Pope Francis para sa kaniyang ika-43rd na pagbisita sa ibang bansa.

Ang ginanap na misa nitong linggo ay siyang huling aktibidad ng Santo Papa sa nasabing bansa.