-- Advertisements --

Naghahanda na si Pope Francis sa pagbisita nito nsa Kazakhstan sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Matteo Bruni ang director of the Holy See Press Office, na magsasagawa ang Santo Papa ng interreligious meeting sa nabanggit na bansa.

Inimbitahan kasi ito ng civil at ecclesial authorities kaya pinagbigyan ng Santo Papa.

Unang sinabi ni Kazakhstan President Kassym-Jomart Tokayev noong Abril ang pagbisita ng Santo Papa sa kanilang bansa.

Mayroong limang Catholic diocese at 250,000 Latin Rite Catholics sa Kazakhstan.