-- Advertisements --
Nasa Quebec City, Canada na ngayon si Pope Francis bilang bahagi ng limang-araw na pagbisita sa nasabing bansa.
Sa larawan na ibinahagi ng Vatican ay makikitang nakipagkita ito kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Governor General Mary Simon ng Canada.
Habang nasa daan ay binati ito at sinalubong ng mga residente doon.
Matatandaan na nagtungo ang Santo Papa sa Canada para humingi ng kapatawaran sa mga katutubo na nabiktima ng pang-aabuso ng mga opisyal ng simbahan.