Dinepensahan ng mga biktima ng human rights violations sa ilalim ng diktaturya ni dating President Ferdinand Marcos ang ginawang hakbang ni dating Sen. Bongbong Marcos na harangin ang magiging desisyon ng isang Supreme Court justice sa inihain nitong poll protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon sa mga biktima ng Martial Law, walang konkretong basehan ang ginawang ito ni Bongbong.
Ang tinutukoy dito ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) ay ang hiling ni Marcos na huwag payagan si SC Associate Justice Marvic Leonoen na sumali sa court deliberations ukol sa poll protest nito laban sa bise-presidente.
Nananawagan kasi ang grupo na ibasura ng SC ang petisyon ni Marcos dahil pinapakita lamang daw nito ang tunay na kulay ng mga Marcos.
Malinaw naman daw kasi ang mga ebidensya na magpapatunay na natalo ni Robredo si Marcos sa pagka-bise presidente noong 2016 elections dahil sa mahabang panahon ay nakita ng mga tao ang kasinungalingan ng mga Marcos.
Para naman kay Akbayan chairperson emeritus at dating Commission on Human Rights (CHR) chairperson Etta Rosales, dapat ay unahin na lamang ni Marcos na tulungan ang kaniyang pamilya na harapain ang iba’t ibang kaso laban sa kanila.
Oras na raw para mag-move on si Marcos sa pagkatalo nito bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas dahil apat na taon na ang nakararaan matapos magdesisyon ang mga Pilipino.










