VIGAN CITY – Pulitika ang itinuturong dahilan ng mga kasamahan ng isang barangay kagawad sa Pilar, Abra na binaril-patay noong Mayo 2.

Ang biktimang si Kabiti, Pilar, Abra barangay kagawad Feliciano Tobias ay lider ng Nationalist People’s Coalition sa nasabing lugar.

Patungo umano sa bukid ang biktima nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na kaagad na tumakas pagkatapos gawin ang krimen.

Sa ngayon, inaalam pa ngpulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang tunay na motibo ng nasabing pangyayari.

Ito na ang ikatlong insidente ng pagpatay sa lalawigan ng Abra na pinaniniwalaang may kaugnayan sa pulitika ngayong taon.