DAVAO CITY – Patay ang isang police matapos makipag-barilan ito sa dalawang mga hold-upper.
Kinilala ang biktima na si Police Staff Sgt Erull Millana, naka-destino sa Montevista Police Advance Post sa bayan ng Montevista, Davao de Oro.
Inihayag ni PBGEN Benjamin Silo Jr. Regional Director ng PRO XI, nagdadalamhati ngayon ang kanilang hanay pero kanilang ipinagmamalaki ang kabayanihang ginawa ni Millana.
Batay sa report, nirespondihan ni Millana kasama ang isang pang police na si PCpl Rogelo Gollo Jr ang isang reported hold up incident sa Purok 4 Magsaysay, Nabunturan, Davao de Oro pasado alas dos ng madaling araw.
Pero nang makita ng dalawang hold-upper ang paparating na mga police kaagad na tumakas ang mga ito sakay sa kanilang walang plated number na motorsiklo.
Hinabol umano ang ito ng grupo ni Millana pero pinagbabaril sila ng mga hold-upper kung kaya naganap ang putukan na nagresulta rin sa pagka-matay ng isa sa mga hold-upper, habang tinamaan rin ang naturang police sa kanyang tiyan.
Sinubakan pang dalhin sa bahay pagamutan si Millana pero nalagutan pa rin ito ng kanyang buhay.
Sa ginawang manhunt operation napatay rin ng mga police ang isa pang hold-upper na tumakas matapus na itoy nakipaf-barilan rin sa mga police.