-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Paghihiganti ang motibo na natatanaw ng mga otoridad sa pananambang sa isang opisyal ng pulisya sa Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Abas Madsig alyas Basco na residente ng Brgy Calsada Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na habang lulan si CIDG-BARMM Maguindanao Regional Field Unit (RFU) Commander Police Major Esmail Madin sa kanyang sasakyan sa Brgy Calsada sa bayan ng Sultan Kudarat ay bigla itong pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang suspek.

Ngunit hindi tinamaan ang opisyal at gumanti ng putok sa mga suspek.

Nagtamo ng maraming tama si Madsig at hindi na umabot ng buhay sa pagamutan habang isa sa mga suspek ang nakatakas.

Matatandaan na noong Septembre 9,2017 ay nahuli ng pinagsanib na pwersa ng CIDG at PDEA sa buybust operation si alyas Basco at ang kanyang asawa.

Posibleng gumanti si Basco kay Madin na patuloy ngayong iniimbestigahan ng Sultan Kudarat PNP sa Maguindanao.