Nag-negatibo sa powder burns ang dalawang police na siyang nag-escort sa kidnap-rape-slay suspect na umano’y nagpakamatay sa Philippine National Police Anti-Kidnapping (PNP-AKG) headquarters sa Camp Crame.
Ito ay batay sa resulta ng isinagawang paraffin test ng PNP crime lab sa dalawang pulis na sina SPO1 grant Chaluyen at PO3 Felix Parafina.
Pero lumabas din sa pagsusuri na maging ang suspek na si Hilario Herrera na umano’y nang-agaw ng baril ni PO3 Parafina at ipinutok ito sa kanyang ulo, ay negatibo sa powder burns.
Ayon kay PNP Crme Lab Chemistry Division chief Supt. Victor Drapete, maaring inconclusive ang resulta ng paraffin test.
Aniya, maraming factors ang maaring mag-resulta sa negatibong test tulad ng direksyon ng hangin, direksyon ng pagputok, at maging ang edad at klase ng baril ay maaring makaapekto sa resulta.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng PNP -Internal Affairs Service kung may dapat panagutan ang dalawang pulis.
Una rito, ipinagtanggol ni PNP-AKG Director S/Supt. Glenn Dumlao ang dalawang pulis at iginiit na sumunod sa standard operating procedure ang mga ito.