-- Advertisements --

Pinatawag ng Poland ang ambassador ng Russia matapos ang muntikan ng pagbanggaan ng kanilang mga fighter jets.

HInarang kasi ng mga Russian fighter jets ang Polish border patrol planena nagresulta sa muntikan ng pagbanggaan nila.

Ayon kay Foreign Ministry spokesperson Lukasz Jasina na kanilang kinokindina ang hakbang na ito ng Russia.

Naganap ang insidente noong nakaraang Biyernes kung sa silangang airspace ng Romania.

Nasa lugar kasi ang Polish Patrol plane dahil bahagi sila ng joint mission ng European Union border patrol system frontex.

Ang nasabing mission ay magtatapos ng hanggang buwan ng Disyembre.