Nilinaw ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na “point to point” travel lamang ang puwede para sa mga menor de edad sa ilalim ng alert level 3 sa Metro Manila.
Iginiit ni Malaya na bawal pa rin ang mga bata sa pampublikong lugar dahil sa ilalim ng alert level 3 ay sarado pa rin ang mga playgrounds at parks.
Giit ni Malaya, maari lamang lumabas ang mga bata, kahit ang mga senior citizens, kapag ito ay para sa essential services.
Sa kanyang pagkakaalam, sinabi ni Malaya na sa ilalim pa ng alert level 2 maaring makalabas talaga ang mga bata sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kaya ipagpanalangin na lamang aniya na magtuloy-tuloy ang pagbaba ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 upang sa gayon ay makapasyal na ulit ang mga bata sa mga pampublikong lugar.
Ayon sa IATF, ang Metro Manila ay isasailalim sa alert level 3 simula Oktubre 16 hanggang 31.