-- Advertisements --

Pinalawig pa ng tatlong taon ng TNT Tropang Giga ang kontrata ni Roger Pogoy.

Ayon sa koponan na kahit na mayroon pang natitirang taon sa unang kontrata nito noong 2021 ay pumirma na si Pogoy ng max extension para manatili sa koponan ng hanggang 2026.

Magugunitang taong 2016 ng makuha ng TNT si Pogoy.

Pumirma rin ng dalawang taon na extension si Rey Nambatac sa Rain or Shine.

Ibinahagi sa social media ng Elastopainters ang pagpirma ni Nambatac na kanilang makakasama ng hanggagn 2026.

Una ng pumirma ang Letran player ng tatlong taon noong 2021 kung saan nakatakda ng mapaso ang kontrata nito sa 2024.