Pinag-aaralan na ng Kamara ang pagpataw ng 1,000 usd presumptive corporate income tax ang kada “seat” o computer na ginagamit sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry.
Sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Sarte Salceda, ang panukalang ito na nakatakdang ihain sa susunod na linggo ay magsisilbing “circuit breaker” gayong 1.4 percent ng gross domestic product ng bansa ay galing sa POGO industry.
Ayon kay Salceda, sa kanyang panukala ay ang pagkakaroon ng best measures upang makontrol ang “wild gyrations and potential wild gyrations” ng POGO sa Pilipinas.
Ito aniya ang nakikita niyang paraan upang mapababa ang systematic risk sa ekonomiya ng POGO.
Sa kanyang pag-aaral, sinabi ni Salceda na kapag naipataw na ang presumptive corporate income tax na 1,000 usd ay makakalikom ang pamahalaan ng P25 billion.
Inoobliga rin ng panukala ang Bureau of Internal Revenue na magkolekta ng P76 billion mula naman sa withholding tax ng mga empleyado ng POGO.
Sa kabuuan, aabot ayon kay Salceda ng hanggang P101 billion ang malilikom ng pamahalaan sa panukalang ihahain niya sa susunod na linggo.