Nakikipa-ugnayan ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy sa Ukraine sa posibleng repatriation sa mga OFWs sa harap ng napaulat na nagbabadyang pagsakalay ng Russia.
Ayon kay POEA Deputy Administrator Bong Plan na hinihintay na lamang ng ahensya ang official advice mula sa DFA at embassy para sa posibleng gagawin na mandatory o voluntary repatriations sa mga OFWs sa Ukraine.
Nauna nang sinabi ng Philippine Embassy sa Warsaw na kanilang binabantayan ang sitwasyon ng nasa 380 na mga Pilipinong nakatira sa Ukraine, kung saan karamihan sa mga ito ay nasa Kyiv na malayo naman sa eastern border malapit sa Russia.
Samantala, pinayuhan naman ni Plan ang mga Pilipino sa Ukraine na kaagad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na embahada sakali mang magkaroon ng hindi kanais-nais na pangyayari o mangailangan man nang assistance at para sa repatriation.