Kampante ang Philippine Olympic Committee na mapapanatili ng Pilipinas ang maganda nitong performance sa mga international chess competition.
Sa susunod na buwan kasi ay nakatakdang magpadala ang Pilipinas ng mga batang chess players para sa FIDE World Youth Chess Championship.
Ito ay nakatakdang ganapin sa Montesilvano, Italy, sa November 12 – 25.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nagawa na ng mga Pinoy chess players na makapagpakita ng magandang performance sa ibat ibang chess competition sa ibang bansa, kayat tiyak na muling magpapakitang-gilas ang mga Pinoy players sa FIDE-2023.
Una ring bumisita ang Pinoy team sa tanggapan ng POC para sa kanilang courtesy call, bago ang mahaba-habang training at tuluyang pagbiyahe papuntang Italy sa mga susunod na araw.
Tiniyak naman ng POC ang suporta sa buong grupo.