-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinag-utos ngayon ni Police Provincial Director Col Raniel Valones ang agaran na pag-resolba ng kasong pagpatay ng apat na sibilyan na kinabilangan ng dalawang meno de edad na natagpuan na lamang sa Sitio Biasong,Barangay Imelda,Villanueva,Misamis Oriental.

Kalunos-lunos ang sinapit ng mga biktima na sina Joy Simbajon Canoy,38,loan collector na taga-Initao;Noel Bado,taxi driver;Miller at Mark na kapwa menor de edad na lahat taga-Brgy Hinaplanon,Iligan City dahil sa tinamo nila na mga bala mula sa kalibre 45 at 9mm pistols na kagagawan ng hindi pa tukoy ng mga suspek.

Sinabi ni Misamis Oriental Provincial Police Office spokesperson Lt Teofratus Pia na pinatitiyak umano ni Valones kay Villanueva Police Station commander Maj Dennis Cerilla na mabigyang solusyon sa mas lalong madali na panahon ang karumal-dumal na sinapit ng mga biktima.

Natuklasan na maliban sa fatal wounds na tinamo ng mga biktima ay tinalian pa ang mga kamay nito patalikod at nilagyan ng ducting tape ang kanilang bibig dahilan na hindi sila nakasigaw habang ginawa ang kremin.

Magugunitang bago naganap ang kremin,sinunog pa ng mga salarin ang taxi ni Bado na sinakyan ng mga biktima sa bahagi ng Naawan na sakop ng segundo distrito ng lalawigan bago nila narating ang bayan ng Villanueva at isinagawa ang karumaldumal na kremin noong nakaraang madaling araw.