-- Advertisements --
Sinimulan na ng Philippine National Police ang kanilang security preparations para FIBA Basketball World Cup na magsisimula sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.
Ayon sa PNP na mayroong na silang binuong task force na siyang mangunguna para matiyak ang maipapatupad na seguridad sa 19th edition ng FIBA World Cup.
Ang Security Task Force (STF) FBWC 2023 ay inorganisa bilang pangunahing responsable sa pagsasagawa ng security operations para maging ligtas ang event.
Sinabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr na ihahalintulad nila ang ipinatupad na seguridad noong 2015 APEC Summit, 2015 Papal Visit, 2017 ASEAN Summit at 2020 Miss Universe Pageant.