-- Advertisements --

Nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Anthony Aberin na walang ibinigay na special treatment sa INC rally kahit pa isa siyang miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Gayunpaman, iginiit niya na susunod pa rin siya sa Saligang Batas at sa mga kinauukulang awtoridad.

Bunsod ‘yan nang biglaang pagtitipon ng mga miyembro ng INC sa EDSA-White plaines nitong Martes ng madaling araw, kung saan walang naunang permit ang religious group.

Kinumpirma rin ng Quezon City Police District na may aprubadong permit ang rally ng INC sa EDSA People Power Monument hanggang alas-8:00 ng gabi sa Hulyo 1.

Giit ng DILG, iginagalang ng pamahalaan ang karapatan ng bawat Pilipino sa mapayapang pagtitipon at pagpapahayag ng saloobin.

Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa PNP upang bantayan ang sitwasyon.

Nanawagan din ang AFP sa mga organizer ng rally na tiyaking hindi maaabala nang husto ang publiko sa isinasagawang pagkilos.