-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga mall owner na higpitan ang seguridad sa mga mall ngayong holiday season.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, sa ganitong panahon kasi aktibo ang mga kriminal para makapanlamang sa kapwa.
Sinabi ni Banac para hindi malusutan, dapat lalo pang paigtingin ang seguridad sa mga mall entrance at higpitan ang inspection.
Siniguro naman ni Banac na mayroong mga police assistance desk malapit sa bisinidad ng mga mall para agad na maka responde sa panahon ng pangangailangan.