CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa lusot ang mga itinuring na 3rd level officers ng Philippine National Police (PNP) kahit hindi sapilitan ang paghahain ng kanilang courtesy resignations at walang karampatan na parusa kung tumangging tumugon sa simpleng apela mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Ito ay matapos binanggit ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr na walang pipiliin sa isasagawang ‘case build-up’ sa mga heneral at full pledge colonels na saklaw sa courtesy resignation upang bigyang daan ang paglilinis sa hanay ng PNP laban sa illegal na droga.
Sinabi ito ng kalihim sa paglunsad niya kasama si PNPdeputy chief for administration Police Lt Gen Rhodel Sermonia ng Buhay Ingatan,Droga’y Ayawan (BIDA) sa El Salvador City,Misamis Oriental kaninang umaga.
Dagdag ng kalihim na hindi rin lusot ang ibang level officers hanggang sa baba dahil kabilang sila sa ‘case build-up’ hanggang matunton ang karadapat na kakasuhan at sibakin sa katungkulan.
Magugunitang sa higit 900 na PNP’s 3rd level officers na ipinasusumite ni Abalos ng courtesy resignation noong nakaraang buwan,nagmula sa PRO 10 ang kaisa-isang police colonels ang hindi tumugon sa nasabing panawagan.